本文
Simbolo ng Prepektura ng Gifu
Kabanata ng Prepektura
Ito ay isang marka na ginawa hango sa "Gi"ng (GIfuken) Prepektura ng Gifu.
Binilugan ang paligid upang ipahiwatig ang Kapayapaan at Pagkakaisa.
Simbolo ng Tatak
Ang disenyong "G" ay mula sa salitang " GIFU".
Ipinapahiwatig ang anyo ng Prepektura ng Gifu na malakas na lumalawak mula sa dulo hanggang sa mga linya,at mula sa mga linya hanggang sa kalatagan.
Bulaklak ng Prepektura "Chinese Milk Vetch"
Ito ay pinili ng mga mamamayan ng Prepektura noong taong ng 1954, buwan ng Marso, bilang lokal na bulaklak ng Prepektura. Ito ay kinikilala bilang bulaklak na tumutugma sa magiliw na tanawin sa panahon ng tagsibol.
Ibon ng Prepektura "Grouse"
Sa kabila ng mga matataas na bundok o Japanese Alps, ang Raichou (Grouse) ay nakatira sa mahigit na (2,400) dalawang libo at apat na daan metro na taas ng bundok, ang kulay ng balahibo kapag tag-init ay kayumanggi, at nag-papalit ng puti pagdating ng tag-lamig. Ito ay hinirang na espesyal na pambansang- yaman.
Puno ng Prepektura "Yew"
Noong unang panahon, gumawa ng setro (Syaku) gawa sa puno ng Yew (Ichii) at ibinigay sa Emperador na tumanggap ng kauna-unahang pangunahing pwesto. Magmula noon, sinasabi na ang punong ito ay tinawag na Ichii (Yew).
Isda ng Prepektura "Sweetfish"
Ang Ayu (Sweetfish) ay pinahahalagahan dahil sa magandang hitsura at masarap na lasa. Ang Ayu (Sweetfish) ng Prepektura ng Gifu, gayundin ang Ukai (Cormorant Fishing) sa Nagara river ay bantog sa buong bansa.