ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
トップページ > 組織でさがす > 広報課 > Balangkas ng Prepektura ng Gifu

本文

Balangkas ng Prepektura ng Gifu

記事ID:0001899 2015年10月7日更新 広報課 印刷ページ表示 大きな文字で印刷ページ表示

Kasaysayan ng Prepektura ng Gifu

Gifu castle
Ang pangalan ng lugar na Gifu ay pinili mula sa tatlong sumusunod, ang Gizan, Shiki at Gifu na ipinayo ni Takugensoun na pari ng Zen sa templong Masahide na nasa Owari noong ilipat ang kastilyo na tinitirahan ni Oda Nobunaga sa bundok ng Inaba. Sinasabing sa mga pangalan na ito ay napagpasyahan dahilan sa pinag-aralan ng pari na si Takuge ang may kinalaman sa Haring Wen ng Dinastiyang Zhou, kung ano ang maaaring mangyari sa Kizan at sa pamamalakad sa nasasakupan ayon sa kasaysayan ng China. Pinili ni Nobunaga ang pangalan na Gifu dahilan sa nais niya na magkaisa ang kanyang mga nasasakupan, kaya't ang lugar na Inokuchi sa ibabang bahagi ng bundok Inaba ay pinalitan ng pangalan na Gifu.  
Bilang karagdadan, sinasabing ang pangalan ng lugar na [Gifu] ay ginamit ng pari ng Zen noon pa man bago ito ipangalan ni Nobunaga na kung saan marami pang ibang haka-haka sa pinagmulan nito.

Lokasyon at Populasyon ng Gifu

Bundok ng Norikura
Ang Prepektura ng Gifu ay matatagpuan halos sa kalagitnaan ng bansang Hapon, sa Seki Shi Tominoho ay mayroong pinakamalaking populasyon ang bansang Hapon (sumusuportang punto sa pangkalahatang populasyon sa bansang Hapon sa pagkakaroon ng bawat isa ng parehong timbang). Mayroong sukat na 10,621 sq. kl. na ipinagmamalaki bilang pang-pito sa may pinakamalawak na sukat sa buong bansa na napaliligiran ng 7 prepektura at isa sa ilang prepektura na malayo sa aplaya.
Ang populasyon sa Gifu (mula Oktubre 1, 2010 hanggang sa kasalukuyan) ay mayroong bilang na 2,080,733 katao (1,006,247 para sa bilang ng mga lalaki at 1,074,526 para sa bilang ng mga babae), 1.6% at pang ika-labing pito sa kabuuang bilang ng populasyon sa bansang Hapon ayon sa kamakailang National Census. Bilang karagdagan, mayroong 499,399 na populasyon para sa may edad na 65 taon gulang pataas sa Prepektura, na kung saan 24.1% ng proposyon ng populasyon (23.0% sa Pambansang Komposisyon ng populasyon).
Ang mga sumusunod ay kasalukuyang tinatayang bilang ng populasyon sa Gifu Ken.

Heograpiya at Klima ng Gifu

Nagara llog
Ang rehiyon ng Hida na nasa hilagang bahagi ng Prepektura ng Gifu ay may magkakasunod na bundok, ito ay ang Bundok Ontake, Bundok Norikura, Bundok Okuhodaka at iba pa na may taas na higit sa 3,000 metro. Sa kabilang dako, dumadaloy ang "Kisosansen" o tatlong ilog na Kisogawa, Nagaragawa at Ibigawa sa bahaging timog ng rehiyon ng Mino, partikular na ang napakaganda at malinaw na  pagdaloy ng ilog Nagaragawa na kung saan napili na isa sa "Nihon no Meisui Hyakusen" o "100 klase ng pinakakilalang malinaw na tubig sa bansang Hapon".
Dahilan dito, ang Prepektura ng Gifu na pinagpala sa likas na katangian mula pa noong unang panahon ay tinatawag na lupain na "Hizan Nousui" (Land of Hizan Nousui) na ang kahulugan ay "Hida no Yama, Mino no Mizu" (Bundok ng Hida, Tubig ng Mino).
May malaking pagkakaiba sa elevation ng Prepektura ng Gifu mula sa kapatagan sa ibabaw ng dagat na may 0 metro at mahigit 3,000 metro sa Bundok ng Hida, kaya't masasabi na mayroon ring malaking pagkakaiba sa klima ayon sa rehiyon tulad ng karaniwang klima ng Gifu Shi na mayroong 15.5degrees at 10.6degrees naman sa hilagang bahagi ng Takayama Shi.

Industriya sa Gifu

Sa iba't ibang bahagi ng Gifu ay isinasagawa ang produksyon ng agrikulturang produkto ayon sa likas na kondisyon ng lugar sa buong taon. Sa kapatagan ng timog-kanluran ng Gifu ay mayroong mainit na klima kaya't isinagawa ang pagsasaka ng bigas. Bilang karadagan, isinagawa ang pagtatanim ng mga gulay tulad ng kamatis, spinach, labanos at iba pa dahilan sa mayroong malamig na klima sa rehiyon ng Chuno, Tono at Hida na nagmumula sa mga kabundukan kahit na sa panahon ng tag-init. At para sa bahaging kabundukan, isinagawa ang pag-aalaga ng baka para sa produktong karne at gatas. Para naman sa industriya ng produktong pang-tubig, malaki ang ginagampanang bahagi ng pangingisda sa ilog na kung saan pangunahin dito ang Ayu (Sweetfish), Nijimasu (Rainbow Trout), Amago at iba pa.

Sa kabilang dako, popular ang Gifu sa pagmamanupaktura ng mga sinaunang mga bagay, dahilan dito naging pangunahin ang industriya ng pagmamanupaktura. Sa lahat ng industriya, mayroong kabuuang porsyento na 24.1% na bilang ng mga empleyado sa industriya ng pagmamanupaktura na kung saan pang-lima (16.1% na proposyon sa buong bansa) sa buong bansa. Mayroon rin na mga natatanging mga lokal na industriya, tulad ng fashion, seramika, mga gamit sa bahay, mga kagamitan na gawa sa kahoy, mga patalim, papel, plastik, mga pagkain at iba pa.

Updated: Pebrero, 2013

<外部リンク>